Pinangalanan na ng Miss Universe Philippines Organization ang Top 15 kandidatang nanguna sa kanilang runway challenge.


“Here are the Top 15 queens with the highest votes for our Runway Challenge! Congratulations to our delegates and their respective creative teams!” caption nila.

Naguna sa naturang challenge si Steffi Rose Aberasturi na sinundan ni Asia’s Next Top Model winner Maureen Wroblewitz.

Pumangatlo naman si Kapamilya actress Kisses Delavin na siyang nanguna noon sa headshot at intro video challenge.

Kasama rin sa nakasungkit ng puwesto sa Top 15 sina Ayn Bernos, Leren Mae Bautista, Katrina Dimaranan, Maria Corazon Abalos, Noelyn Campos, at Cheri Angel Anne Flejoles.

Bukod sa kanila, sumabit din sina Kamille Alyssa Quiñola, Gianne Asuncion, Janela Joy Cuaton, Maica Martinez, Angela Nikki De Grano, at Christelle Abello sa ranking.

Nakatakdang iaunsyo ang isa pang challenge ngayong Lunes. Matapos nito, iaaunsunyo na ng organization kung sino ang pasok sa Top 50.

Nakatakdang ganapain ang coronation night ng naturang pageant sa susunod na buwan. (VA)

The post Miss U PH: Top 15 ng runway challenge pinangalanan na; Kisses umaariba! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miss-u-ph-top-15-ng-runway-challenge-pinangalanan-na-kisses-umaariba/)