Sa halagang P20,000, napatawad ang isang netizen ng kanyang misis matapos nitong umagahin sa labas.

Kakaiba kasi ang paraan ng pagsuyo ni Mon Mondaragon sa kanyang waswit.

Sa halip na kausapin ito nang maayos, naglatag na lang siya ng mga 1,000 bills at ipinorma ito sa salitang “SORRY.”

“Sa aking asawa, pasensya ka na kung inumaga na ako sa pag uwi. Sana mapatawad mo na ako,” sey niya sa caption.

Aliw naman ang mga netizen dito.

Anila, nabigyan sila ng dahilan para magalit sa kanilang mga dyowa.

Nichole Dee Palma: “26k yung nkita ko hindi sorry. Mahina. Dagdagan mo. Gawin mo SORRY HINDI KO NA UULITIN MAHAL NA MAHAL KITA SANA MAPATAWAD MO AKO. Ganon dapat hahaha chikaaa”

Clare Chen: “Sana all.😆 Yung sakin kasi pag galit ako, mas galit sya. Palakasan ng amats.😅”

Anna Liza: “Sorry lang? Dapat IM REALLY VERY VERY VERY VERY SORRY”

Ronnel M. Lolo: “Dapat ganyang mga sorry hindi pino-post. Paano na kaming mga mister na dukha.”

Lulu Ruth: “26k lahat yan wag kna mag bilang naunahan na kita 🤣🤣”

The post Mister binili kapatawaran ni misis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mister-binili-kapatawaran-ni-misis/)