Inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) Director Eric Domingo noong Martes na nag-apply ang manufacturer ng bakunang Moderna ng emergency use authorization (EUA) para maiturok ang naturang bakuna sa mga bata mula edad 12 pataas.

Ani Domingo, sa ngayon ay nagsasagawa sila ng evaluation kung papayagan nila ito.

“Hopefully, within this week or next week makumpleto na ang evaluation nito,” wika ni Domingo.

Samantala, nag-apply rin daw ng EUA ang Sinovac para maiturok sa mga edad 3-17 ngunit ayon kay Domingo, hindi pa nila ito inaaprubahan dahil sa kakulangan ng clinical trials ng nasabing bakuna.

“‘Yung kanilang (Sinovac) petition na ma-include yung children ay hindi pa po natin gina-grant at this time kasi noong tinignan ng vaccine experts, medyo maliit yung Phase 1 and Phase 2 trial na kung kasama yung mga bata na 3 years old to 17 years old,” aniya.

“We advise the company to send us reports kapag mas maraming clinical trials on children so we can revisit,” dagdag pa ni Domingo.

The post Moderna tangka EUA para maiturok sa bata – FDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/moderna-tangka-eua-para-maiturok-sa-bata-fda/)