Inilunsad ngayong araw sa Albay ang 2D Module Legends upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante ngayong ipinatutupad ang distance learning.

Pinangunahan ng Team Albay Youth Organizations (TAYO) Inc., ang 2D Module Legends – 2D On-Air Learning Project ngayong araw sa tulong ng Department of Education at United States Agency for International Development (USAID).

Sumuporta rin si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda para sa mga kailangang materyales at pondo ng proyekto.

Sa pirmahan ng Memorandum na ginawa sa SM City-Legazpi Activity Center, sinabi ni Salceda na makatutulong ang proyekto upang mas maraming matuto lalo at ang radyo ay isa sa pangunahing pinanggagalingan ng impormasyon sa probinsya.

“As a province frequented by strong typhoons that tend to cut our communication and electricity connection, we have become used to the radio as a vital source of information and as an important resort during emergencies. Almost every household has a radio set, and if some households don’t, it is much easier and cheaper to buy them one, than to get them hooked to the internet,” sabi ni Salceda.

Ang kawalan umano ng edukasyon ng isang tao ay may malaking epekto sa kanyang maaaring kitain sa kanyang buhay.

Nananatili pa rin umanong malaking hamon ang internet-based distance learning dahil mahal ang maayos na interconnection sa bansa.

Isinusulong ni Salceda ang panukalang Satellite Liberalization Act upang magamit ang satellite-based internet na mas mura at mas madaling ikabit sa mga liblib na lugar.

“I am looking forward to having more satellite-internet providers that would make internet accessible to even the most remote communities. But, while that is not yet the case, radio is our best option,” dagdag pa ni Salceda.

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Anne Sevilla na maaaring gamiting model ang ginawa ng Albay ng iba pang probinsya.

“This program proves that we are resourceful and we do need so much to acquire new gadgets for distance learning because we can use what we have, we only have to re-purpose it,” sabi ni Sevilla.

The post ‘Module Legends’ inilunsad sa Albay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/module-legends-inilunsad-sa-albay/)