Matapos maantala ng dalawang linggo ay tuloy na ang pagratsada ng Mobile Legends Professional League (MPL) Philippines Season 8 sa Agosto 27.

Kasunod ito ng pagbaba sa quarantine classification ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa unang araw ng torneo ay masasaksihan ang bakbakan ng Onic PH at bagong bihis na Echo Esports (dating Aura PH) sa alas-6:00 p.m. ng gabi.

Susundan ito ng sagupaang TNC Pro Team (dating Work Auster Force) at defending MPL champions Blacklist International.

Tuwing Biyernes hanggang Linggo ang schedule ng mga laban sa elimination round na tatagal ng pitong linggo.

Bukod sa Blacklist, ilan sa mga inaabangang koponan ang M2 World Champions Bren Esports at ang Omega Esports, na dala-dala ang mga manlalaro mula sa Southeast Asian Cup champions na Execration.

The post MPL Season 8 sisipa sa Agosto 27 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mpl-season-8-sisipa-sa-agosto-27/)