Isasailalim ang Metro Manila at Laguna sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Agosto 21 hanggang Agosto 31, ayon sa pahayag ng Palasyo Huwebes ng gabi.

Samantala, MECQ rin ang quarantine classification ng Bataan ngunit simula Agosto 23 hanggang dulo ng buwan.

“These latest classifications are without prejudice to the strict implementation of granular lockdowns,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa ilalim ng MECQ, bawal pa rin ang pagkain sa mga restaurant mapa-dine-in, al-fresco o outdoor man, maging ang operasyon ng mga parlor, gupitan at nail spa.

Ang mga gawaing panrelihiyon ay virtual lamang.

Habang nasa ilalim ng MECQ, inaasahan ng Palasyo na pag-iigihan ang pagbabakuna at pag-obserba ng health protocol sa mga naturang lugar.

The post NCR, Laguna, Bataan ibababa sa MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-laguna-bataan-ibababa-sa-mecq/)