Maging ang negosyo ni Kapuso actress Kris Bernal ay hindi nakaligtas sa hamon ng pandemya. Kuwento kasi niya, lagi siyang puyat kakaisip sa kanyang business at kung paano mapapanatili ang kanyang mga empleyado.

“When virtual meetings are life. 👩🏻‍💻 I don’t know about you, but all I’ve been doing in lockdown is come up with a new business idea,” anang aktres sa kanyang Instagram post.

“So much in my mind. But behind my “pigang-piga” creative juices, I’m currently at a situation too where it’s so difficult for my existing businesses to survive. The businesses are still there. I have incredible customer loyalty, but I didn’t have the quantity of individuals I needed for a day to keep my 17+ employees, ” pagpapatuloy niya.

Aniya, nakadagdag din sa kanyang pagkalugmok ang mga bad news na naririnig niya araw-raw.

“All these factors weigh me down lately and cause sleepless nights plus the news hits harder every single day!”

Bukod dito, ibinahagi din ng aktres na nakakapagbawas siya ng pagod sa pamamagitan ng pagbibigay-oras niya sa kanyang ina at kapatid.

“Anyway, just trying to ease my way in the discomfort by spending wholesome moments with my mom and brother at home. I miss my fiancé too whom I haven’t seen in over a month,” aniya.

Ilan sa mga negosyo ni Kris ang SHE – isang make up brand at House of Gogi na Korean restaurant.

The post Negosyo ni Kris Bernal gewang dahil sa pandemya: Pigang-piga na ako first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/negosyo-ni-kris-bernal-gewang-dahil-sa-pandemya-pigang-piga-na-ako/)