Nilinaw ng OCTA Research Group na hindi sila nakikipag-kumpitensya sa gobyerno bagkus ay tumutulong lamang na labanan ang pandemya.

Sa isang panayam kay Malou Mangahas, sinabi ng isang miyembro ng OCTA na si Ranjit Rye na ang layunin ng grupo ay paglingkuran ang sambayanan.

“Hindi po kami nakikipagpaligsahan sa gobyerno. Ito kasi napakaliit kami. Volunteer lang ito. These are passionate people who want to serve the country through OCTA,” pahayag ni Rye.

“Kami ho committed to help government in whatever way possible kasi ng laban ng COVID laban natin lahat po, nasa giyera tayo,” dagdag pa nito.

Nilinaw rin ni Rye na hindi sila konektado sa alinmang ahensya o tanggapan ng gobyerno, bagamat ang ilan sa kanila ay nagtuturo sa ilang state university.

“We are not shy to let you know that we are proud faculty members of UP. Pero ang ginagawa po namin independent ho at wala hong kinalaman yung mga recommendations namin sa official positions ng University of the Philippines or University of Santo Tomas,” aniya.

“Walang ginagamit na government funds at hindi ho kami gumagamit ng Bayanihan funds,” wika pa ni Rye.

Inihayag ito ni Rye matapos kwestyunin ng ilang mambabatas ang kredibilidad ng OCTA para magbigay ng datos tungkol sa lagay ng COVID cases sa bansa.

The post OCTA: ‘Hindi kami nakikipagpaligsahan sa gobyerno’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-hindi-kami-nakikipagpaligsahan-sa-gobyerno/)