Nanawagan ang isang lider ng Kamara de Representantes sa Office of the Ombudsman at Commission on Audit (COA) na magsilbing ‘frontliner’ sa pagbibigay ng hustisya sa mga health care workers.

Inihain ni Deputy Speaker at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva ang House Resolution 2157 upang himukin ang Ombudsman at COA na bumuo ng composite team na hihimay sa kontrobersyal na P67 bilyong pondo ng Department of Health (DPH) na pinuna sa 2020 annual audit report.

“Such hefty amount of funds deserves a laser-focused investigation from the Ombudsman and COA. HR 2157 is our call for these anti-corruption agencies to form a composite team that will facilitate and expedite the resolution of the corruption issue DOH is facing. This must be done ASAP,” sabi ni Villanueva.

Iginiit ni Villanueva na kailangan ng patas at mabilis na resolusyon sa isyu lalo at nakakaapekto ito sa tiwala at kumpiyansa ng publiko sa gobyerno.

“Because of DOH mismanagement of P67 billion COVID-19 budget, our frontline health workers have been deprived of billions-worth special risk allowance, hazard duty pay, and financial assistance,” sabi pa ni Villanueva.

Bukod sa allowance na hindi naibigay sa oras, sinabi ni Villanueva na mayroon ding isyu ng hindi natapos na proyekto, hindi pagsunod sa tamang proseso at regulasyon at kapabayaan sa paggamit ng pondo.

“Aside from compelling the compliance with audit observation, Ombudsman and COA must delve more on addressing more substantial issues like overpricing, collusion and entering into transactions gravely disadvantageous to the government,” wika pa ng solon.

Ipinunto rin ni Villanueva na sa ilalim ng Konstitusyon ay may motu proprio power ang Ombudsman at COA kaya maaari itong mag-imbestiga kahit na walang nagrereklamo.

The post Ombudsman, COA pangunahan laban ng health workers —Bro Eddie first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ombudsman-coa-pangunahan-laban-ng-health-workers-bro-eddie/)