“Pagod na pagod na po mga kasamahan kong doktor at nurses dito sa Ospital ng Biñan.

Ganunpaman, hindi po kami susuko.”

Ito ang naging pahayag ni Dr. Melbril Alonte, medical director ng Ospital ng Biñan (ONB) sa Laguna.

Ito ay matapos mapuno ng naturang ospital ng mga pasyente dahil sa patuloy na paglobo ng COVID case sa kanilang lugar.

“Magdadagdag kung kinakailangan para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente,” wika niya.

Sambit niya, 50 beds lang kasi ang bed capacity ng ONB, ngunit pumapalo aniya ang mga pasyente nila sa 100 hanggang 200.

“Ang total capacity lang po ng Ospital ng Biñan ay 50 beds. Sa ngayon po, puno na ang buong ospital, nasa labas na rin po, sa pasilyo, sa parking lot. Umaabot na kami sa isa hanggang 200 pasyente po na talaga naman pong hirap na hirap,” ani Alonte.

Sa kabila nito, patuloy aniyang tatanggap ang ospital ng mga pasyente, COVID man o non-COVID ito.

Nito lamang nakaraang linggo nang maging usap-usapan ang nasabing ospital dahil sa mga pasyente nitong naka-confine sa kanilang parking lot.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/mga-pasyente-sa-binan-sa-parking-lot-na-nakahiga/

The post Ospital ng Biñan apaw na; nanawagan sa mas maraming health workers first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ospital-ng-binan-apaw-na-nanawagan-sa-mas-maraming-health-workers/)