Wala umanong dapat na ipagpasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga guro sa pampublikong paaralan sa tatanggapin nilang P1,000 World Teachers’ Day Incentive sa Oktobre.

Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, ang naturang insentibo ay inalis ng Malacañang sa orihinal na budget proposal nito para sa 2021.

“There would not even be a World Teachers’ Day incentive if not for the loud clamor of public school teachers in last year’s budget deliberations,” sabi ni Castro.

Ang P1,000 insentibo ay konsolasyon lamang umano sa mga guro sa kanilang patuloy na pagsasakripisyo lalo na ngayong may pandemya at sa patuloy na pagkapako ng mga pangako ni Duterte.

“Hindi pwedeng gamiting pampabango ang P1000 WTD incentive matapos ilang ulit na maging taksil sa pangako sa mga guro na sunod raw na bibigyan ng substansyal at makabuluhang dagdag sweldo matapos ang mga military at uniformed personnel,” dagdag pa ni Castro.

The post P1K incentive ‘di dapat ipagpasalamat kay Duterte – ACT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p1k-incentive-di-dapat-ipagpasalamat-kay-duterte-act/)