Matapos mabigo sa dehadong si Yordenis Ugas ay hati pa ang isip ni Manny Pacquiao kung itutuloy pa niya ang pagboboxing o hindi.

Sa panayam sa ESPN, sinabi ni Pacman na pumapasok na rin sa isip niya ang pagreretiro ngunit hindi pa rin niya ganap na sinasara ang pinto sa sport na nagdala sa kanya sa tugatog ng kasikatan.

“Right now, probably I’m thinking about retirement,” wika ni Pacquiao. “I don’t know, I don’t know. I’m not closing this [door for boxing but] it’s at a percentage of 60-40.”

Gayunpaman, hindi na nailahad pa ng dating eight-division world champion kung ang 60% na ito ay tumutukoy sa kagustuhan niyang magretiro o ang kabaliktaran.

Samantala, maging si coach Freddie Roach ay batid na maaaring ito na ang katapusan ng karera ni Pacquiao.

“I hate to see the day he retires, but this could be it,” wika ni Roach

“He didn’t have a great performance tonight,” sambit ng 61-anyos na trainer.

The post Pacman sa pagreretiro: “60-40” first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacman-sa-pagreretiro-60-40a/)