Binisita si eight-division world men’s pro boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ni Fil-American stand up comedian Jo Koy noong Lunes (Martes sa Maynila).

Kasama ang anak, dumating ang sikat na komedyante sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kung saan nagte-training ang Pambansang Kamao kasama si trainor Freddie Roach.

“My son and I in the gym with the G.O.A.T. @MannyPacquiao” tweet ni Koy Miyerkoles.

Umeksena rin siya sa Facebook account ng 42-year-old Pinoy ring icon kung saan nagpasaya isang live video.

Sumilip na rin kay Pacquiao sa Wild Card sina 75th National Basketball Association 2020-21 Sixth Man Jordan Clarkson, NBA stars Klay Thompson at Karl-Anthony Towns, singer at record producer apl.de.ap ng Black Eyed Peas, at social media star Alex Hirschi.

Samantala, imbes na si World Boxing Council at International Boxing Federation welterweight unified champ Errol Spence Jr. ng USA, si World Boxing Association welterweight titleholder Yordenis Ugas ng Cuba na ang makakalaban ni Pacquiao sa Agosto 21 sa Las Vegas, Nevada.

The post Pacquiao dinalaw ni Koy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-dinalaw-ni-koy/)