Inonomina umano ng PDP-Laban – Pimentel faction si Senador Manny Pacquiao bilang presidential candidate ng partido sa 2022 elections.

Si Pacquiao ay dating tumayong party president ng kabuuan ng PDP-Laban ngunit nasipa ng paksyon ng ngayo’y pangulo na si Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ngunit nananatiling solido sa likod ni Pacquiao ang ilan pang miyembro ng partido, ayon kay Senador Koko Pimentel.

“Consultation among party members is ongoing. So far one name is being mentioned: MANNY PACQUIAO,” wika ni Pimentel sa Inquirer.

“Someone will for sure nominate him (Pacquiao) and then the Comelec (Commission on Election) will ask if he accepts the nomination. We still have to wait for his answer,” dagdag pa ni Pimentel.

Dagdag pa niya, sa Setyembre ay magdaraos ng national assembly ang kanilang paksyon, hiwalay sa national assembly ng grupo ni Cusi.

Samantala, ang paksyon na pinamumunuan ng kalihim ay iniindorso ang Go-Duterte tandem.

The post Pacquiao pambato ng Pimentel faction sa PDP-Laban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-pambato-ng-pimentel-faction-sa-pdp-laban/)