Hindi umano magdadalawang-isip si Senador Manny Pacquiao na tumakbo sa pagkapangulo kapag si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang magiging pambato ng administrasyon, ayon sa spokesperson ng senador na si Monico Puentevella.

“It’s not yet October 8 but if it is Sara who will be the anointed one, he will go for it,” pahayag ni Puentevella sa panayam ng CNN ngayong Huwebes.

Matapos matalo kay Yordenis Ugas, sinabi ni Pacquiao na magpapahinga siya ng isang buwan bago ilahad ang susunod na hakbang.

Kwento pa ni Puentevella, pagkauwi ni Pacquiao sa bansa ay kokonsultahin nito ang ilang politiko para pag-usapan ang kanilang mga plano sa 2022.

“After he comes back, we will talk to opposition leaders, the administration friends and leaders then he will decide with his political ambition,” ani Puentevella.

Nilinaw rin ng tagapagsalita na wala sa plano ni Pacquiao ang tumakbo bilang bise-presidente.

Nitong Miyerkoles lamang ay sinabi naman ni Senador Koko Pimentel na inonomina nila bilang presidential candidate si Pacquiao.

The post Pacquiao papalagan si Sara sa pagkapangulo – Puentevella first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-papalagan-si-sara-sa-pagkapangulo-puentevella/)