Nagkita na sa unang beses si People’s Champ Manny Pacquiao at Cuban fighter Yordenis Ugás nitong Miyerkules.

Ito ay matapos ganapin ang Grand Arrival ceremony sa labas ng T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada kung saan gaganapin ang laban nila sa Linggo (Sabado sa Amerika).

Inanyayahan naman ng ring icon slash Senador ang mga Pinoy na manood ng m kanilang bakbakan.

“I would like to invite the fans all over the world, especially Filipinos, to watch the fight,” sambit niya.

Matatandaang biglang umatras si American boxer Errol Spence na siyang orihinal na makakaharap sana ni Pacquiao.

Ayon sa ulat, dahil umano sa left eye injury kaya kumalas si Spence sa bakbakan.

Samantala, umatras din ang kalaban ni Ugas dahil din umano sa injury sa mata.

Nang tanungin ang 35 anyos na Cuban fighter kung sino ang liyamado sa kanila ni Pacman – patas lang daw sila.

“I don’t think anybody has the advantage because he was preparing for a southpaw, [then] I was preparing for a conventional fighter,” ani Ugas.

 “And we just had 10 days to prepare, so I do not think anyone has the advantage,” dagdag pa niya.

Tiniyak naman ni Ugas na bibigyan nila ni Pacquiao ang publiko ng magandang show.

“If this is Pacquiao’s last time in the ring, he will fight someone who is of high caliber like me.

“We’re going to put on a great fight for the fans around the world,” wika niya.

Nang tanungin naman kung ito na ang huling laban ni Pacquiao, sambit niya: “It depends on the result and the fight, but I really love doing this, I am happy doing this.”

Samantala, kasalukuyang nasa Vegas na rin ang pamilya ni Manny para magpakita ng suporta sa kanya.

The post Pacquiao, Ugas nag-eyeball bago laban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-ugas-nag-eyeball-bago-laban/)