Malaki ang naiambag ng mga remittance o padala ng mga OFW sa 11.8% economic growth ng bansa sa second quarter nitong taon, ayon sa isang economic analyst.

“If you look at the exports […] remittances […] let us remember that OFW remittances contribute significantly sa ating ekonomiya. Lahat kasi ng pinapadala ng ating mga kababayang nagtatrabaho abroad ipinadadala ito sa pamilya nila, pag nakaabot yan sa pamilya nila ginagastos nila. So pag ginastos mo yan nakakatulong yan na itulak yung ekonomiya,” paliwanag ni Economic Analyst Astro del Castillo sa panayam sa “Balitang Sapolitiko” noong Biyernes.

Gayunpaman, nilinaw niya na ang naranasang 11.8% economic growth rate ay resulta ng mababang base o sanhi ng halos 17 porsyentong recession sa parehong quarter noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag niya na kahit na hindi ito maihahambing sa naitala noong wala pang pandemya, mas mabuti pa rin ito kaysa sa mga nakaraang buwan.

Binanggit din ni Del Castillo na mahirap mahulaan ang economic growth rate sa natitira pang buwan ng taon dahil sa kawalan ng katiyakan kung kailan magdedeklara ng lockdown.

“Pag na-extend ‘to at naulit ang mga lockdown medyo liliit ang growth natin, liliit ang pag-unlad, babagal ang pag-unlad. Pero for now, yung consensus namin medyo it varies. May nagsasabi na two percent for this year hanggang umaabot sila ng eight percent, or seven percent actually,” paliwanag niya.

The post Padala ng mga OFW nagpasipa sa ekonomiya – analyst first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/padala-ng-mga-ofw-nagpasipa-sa-ekonomiya-analyst/)