Nag-abiso ang Bureau of Quarantine nitong Sabado sa mga Pinoy na huwag munang kumuha ng International Certificate of Vaccine o ‘yellow card’ kung wala namang plano o naka-schedule na biyahe sa ibang bansa.

Ayon kay Bureau of Quarantine Director Roberto Salvador, ito ay para maunang mabigyan ng yellow card ang mga nakatakdang bumyahe pa-ibang bansa.

“Hindi po natin ini-encourage ang yellow card kung hindi po gagamitin sa ibang bansa kasi po sobrang daming gusto ng yellow card, nawawalan ng slot iyong mga talagang aalis papunta sa ibang bansa,” wika ni Salvador sa isang virtual briefing.

Ang yellow card ay nirerecognize ng World Health Organization bilang vaccination card.

Paalala ni Salvador, ang mga nagnanais makakuha ng yellow card ay dapat magpunta sa website ng Bureau of Quarantine para makapag pa-book ng appointment.

Sa araw ng appointment, dapat lang nilang dalhin ang passport at vaccination card.

The post Pag wala pang byahe: ‘Wag atat sa yellow card first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-wala-pang-byahe-wag-atat-sa-yellow-card/)