Hinihintay na lamang ng PBA ang letter of approval mula sa pamahalaang lokal ng Pampanga at raratsada na ang naantalang Philippine Cup sa naturang probinsya.

Ayon kay commissioner Willie Marcial, bagamat wala pa ang liham ay mayroon ng verbal approval mula kay Pampanga Governor Delta Pineda.

“May verbal na. Hinihintay lang natin ‘yung formal letter na approval. Pag um-okay ‘yun, magpapa-test na ang mga teams in a couple of days,” wika ni Marcial nitong Huwebes.

“Kung maaprubahan today or tomorrow, mag-aakyatan na by Monday or Tuesday for practices tapos bibigyan natin ng one week to practice,” dagdag pa ng commissioner.

Hindi pa naman inilahad ni Marcial ang posibleng pagdausan ng mga laro ngunit may ilang ulat ang nagsabing isa sa pinagpipilian ang Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor.

Semi-bubble set-up ang paiiralin sakaling magbukas muli ang liga.

The post Pagbabalik ng PBA nalalapit na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbabalik-ng-pba-nalalapit-na/)