Bumabagal na ang pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases kada araw sa Cebu City ayon sa OCTA Research Group.

Anila, maaaring bumaba pa ito sa unang linggo ng Setyembre.

“This would mean that new cases will possibly be on a downward trend by then,” saad nila sa isang report.

Ayon sa ulat ng GMA News, halos pumalo sa 29.17% ang average daily attack rate ng COVID sa naturang probinsya.

Umaabot din anila sa 88% ang occupancy rate ng kanilang mga intensive care unit.

Kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine with heightened restrictions ang 11 lugar sa Cebu bunsod ng COVID spike sa kanilang lugar.

The post Pagsipa ng COVID cases sa Cebu humihina na – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsipa-ng-covid-cases-sa-cebu-humihina-na-octa/)