Inaprubahan ng House Committees on Creative Industry and Performing Arts at on Public Information ang panukalang pagtatayo ng Philippine Audiovisual Archives (PAVA).

Ang PAVA ang aatasan upang mangasiwa sa itatagong kopya ng audiovisual work at magpatupad ng polisiya at programa upang mapangalagaan ang mga ito.

Ang mga materyales na ilalagay sa archives ay maaaring bilhin o tanggapin bilang donasyon o regalo sa ahensya ng indibidwal o institusyon na may-ari nito.

Ang mga ari-arian at trabaho ng Philippine Film Archive of the Film Development Council of the Philippines (FDCP-PFA) ay ililipat sa PAVA kapag naisabatas ang panukala.

Ang mga apektadong empleyado mula sa FDCP-PFA ay hindi mababawasan ng ranggo o suweldo kapag inilipat na sila sa PAVA. (Billy Begas)

Inaprubahan ng House Committees on Creative Industry and Performing Arts at on Public Information ang panukalang pagtatayo ng Philippine Audiovisual Archives (PAVA).

Ang PAVA ang aatasan upang mangasiwa sa itatagong kopya ng audiovisual work at magpatupad ng polisiya at programa upang mapangalagaan ang mga ito.

Ang mga materyales na ilalagay sa archives ay maaaring bilhin o tanggapin bilang donasyon o regalo sa ahensya ng indibidwal o institusyon na may-ari nito.

Ang mga ari-arian at trabaho ng Philippine Film Archive of the Film Development Council of the Philippines (FDCP-PFA) ay ililipat sa PAVA kapag naisabatas ang panukala.

Ang mga apektadong empleyado mula sa FDCP-PFA ay hindi mababawasan ng ranggo o suweldo kapag inilipat na sila sa PAVA.

The post Pagtatayo ng audiovisual archives inaprubahan ng komite ng Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtatayo-ng-audiovisual-archives-inaprubahan-ng-komite-ng-kamara/)