Hinimok ng pitong senador ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang deadline ng voter registration mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 31.

Ayon kina Sen. Francis Pangilinan, Ralph Recto, Franklin Drilon, Nancy Binay, Leila de Lima, Risa Hontiveros, at Joel Villanueva ang isang buwang extension ay magbibigay daan sa mga botante na makapagparehistro at makaboto sa susunod na halalan sa taong 2022.

Sa kalasakuyan, nahihirapan ang mga bagong botante na makapagparehistro dahil sa imposisyon na enhance community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Sa Setyembre 30 ang deadline ng pagpaparehistro.
Sa inihaing resolusyon, ang pagpaparehistro ay sinuspinde nang limang taon dahil sa pandemya lalo na sa mga lugar na isinailalim sa ECQ at modified ECQ.

Sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA), mahigit 13.3 milyon potensiyal na mga botante ang hindi pa nakakapagparehistro para sa susunod na eleksiyon.

Sa kanil;ang apela, sinabi ng mga senador na ang Comelec ang may prerogative na magtakda ng deadline ng voter registration nang hindi lalagpas sa 120-araw bago ang halalan.

“While it is important for Comelec to have enough time to prepare the final list of voters…a one-month extension will not duly unhamper or delay Comelec’s preparation,” sabi ng mga senadtor sa naturang resolusyon.

“Comelec must make the necessary adjustments to allow more unregistered potential voters to register,” dagdag pa doon.

Inaasahang tatalakayin ng mga senador ang nasabing resolusyon sa pagpapatuloy ng sesyon sa susunod na linggo.

Nauna nang sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na hindi pa napag-usapan ng en banc ang posibilidad na palawigin pa ang voter registration period.

The post Palawigin pa ang pagpaparehistro ng mga botante – mga senador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palawigin-pa-ang-pagpaparehistro-ng-mga-botante-mga-senador/)