Tila inulan ng biyaya ang crush ng bayang biritera na si Gigi de Lana.

Kasalukuyan kasi siyang naghahanda para sa kanyang album na ilalabas sa susunod na buwan at concert sa Disyembre.

Ayon sa ABS-CBN News, ilalabas sa Setymebre 24 ang unang single ng singer na siya ring kaarawan nito.

“Nag-pursige kami na gumawa ng sariling songs. Doon kami nag-grow at doon kami nag-start,” ani de Lana sa isang panayam.

Bukod dito, naghahanda rin ang bebot para sa isang mini concert ng YouTube Music Night na siyang ie-ere sa Disyembre.

“We are preparing for something big. Maraming pakulo,” wika niya.

“Gusto namin as much as possible feeling at home ‘yung mga manonood, ‘yung para ka lang umiinom ng tea sa garden mo. Gusto namin nag-i-enjoy kami pero ‘yung viewers din namin,” dagdag pa niya.

Matatandaang gumawa ng ingay sa iba’t ibang social media platforms si Gigi matapos nitong maniin ang “Bakit Nga Ba Mahal Kita” ni Roselle Nava.

Kasalukuyang umabot na sa mahigit 2 milyon ang views ng kanyang song cover na ito.

The post Pandemic star! Gigi de Lana may album na, may concert pa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pandemic-star-gigi-de-lana-may-album-na-may-concert-pa/)