Inendorso ng House Committees on Public Works and Highways at on Appropriations ang panukalang konstruksyon ng 240 kilometrong superhighway sa Mindanao.

Ang panukalang trans-Mindanao Superhighway ay magdurugtong sa munisipyo ng Tandag sa Surigao del Sur at Laguindingan International Airport sa Cagayan de Oro City.

Daraan ang panukalang kalsada sa munisipyo ng Prosperidad sa Agusan del Sur, Malaybalay at Talakag sa Bukidnon at durgtong sa Talakag-Barangay Dansolihon highway at Barangay Dansolihon-Barangay San Simon-Laguindingan Airport highway sa Cagayan de Oro City.

Ang kakailanganing pondo ay isasama sa taunang General Appropriations Act (GAA).

The post Panukalang pagtatayo ng superhighway sa Mindanao umusad na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-pagtatayo-ng-superhighway-sa-mindanao-umusad-na/)