Isang tulog na lang bago ang nakatakdang bakbakan nila sa Las Vegas, nagharap sa weigh-in sina Manny Pacquiao at Yordenis Ugas.

Kapwa pasok sa required na timbang ang dalawang boksingero nitong Sabado (Manila time).

Tumimbang si Pacquiao ng 146 pounds habang si Ugas ay 147 pounds.

Hindi pinayagang makapasok sa venue ang mga fan kundi media lamang.

Samantala, tumimbang ang Pinoy na si Mark Magsayo ng 125.5 pounds habang ang kalabang si Julio Ceja ng Mexico ay pumalo sa 125 pounds.

Magiging undercard ang Magsayo-Ceja featherweight bout ng Pacman-Ugas fight.

Maglalaban sina Pacquiao at Ugas para sa WBA Welterweight Championship sa T-Mobile Arena.

Sa Facebook, ibinahagi ng official photographer ni Pacquiao na si Wendell Alinea ang ilang larawan sa naganap na weigh in nitong August 21.

The post Pareho kayang pasok sa timbang? Pacquiao, Ugas nag-weigh in na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pareho-kayang-pasok-sa-timbang-pacquiao-ugas-nag-weigh-in-na/)