Pormal nang ilulunsad ang Partido Reporma ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Gaganapin ang formal launch event sa Setyembre 8.

“Natapos na lahat iyong materials, iyong hinanda namin dahil iyong launch event namin, finally, September 8,” anunsyo ng party chairman at presidential aspirant sa isang panayam.

Aniya, magtatagal lang nang 30 minutos ang event na siyang magsisimula alas-11 ng umaga.

Dagdag pa rito, ie-ere ang naturang event sa mga TV at radio station ayon sa opisyal.

Simula 2004, independent na opisyal si Lacson.

Ngunit nito lang Hulyo nang hindi na maging ‘partyless’ ang opisyal matapos niyang manumpa bilang chairman ng naturang party.

“My advocacies are well-aligned with those of Reporma like people’s sovereignty and democracy, decentralization and devolution of powers, social justice responsibility, strong economic foundation, environmental awareness, voters’ education, among others,” wika ni Lacson.

The post Partido Reporma ilulunsad na – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/partido-reporma-ilulunsad-na-lacson/)