Umakyat sa 3-4 milyon ang backlog sa passport renewal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ngayong Martes, ipinaliwanag ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na naapektuhan ng mga limitasyong dala ng COVID-19 pandemic ang kapasidad ng mga consular office na magproseso ng mga aplikasyon.

“Kakailanganin po natin ng additional 10 to around 20 temporary offsite passport services just to minimize the backlog po,” sabi ni Dulay.

Noong 2019 ay nakapag-proseso ang DFA ng 4.8 milyong passport renewal malayo sa 1.7 milyong naproseso nito noong nakaraang taon.

The post Passport renewal backlog nasa 3-4 milyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/passport-renewal-backlog-nasa-3-4-milyon/)