Talo man sa ring kontra kay Yordenis Ugas, panalo naman para sa mga Pinoy fan si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Bigo kasing mabawi ng boxer slash Senador ang WBA welterweight title niya sa Cuban fighter.

Wagi ang 35 anyos kontra Pacman via unanimous decision sa iskor na 116-112.

Sa kabila nito, kampeton pa ring maituturing si Pacquiao para sa kanyang mga tagasuporta.

Ikinasa ang bakbakan ngayong Linggo (Sabado sa Amerika) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

The post People’s champ pa rin! Suporta kay Pacman bumuhos first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/peoples-champ-pa-rin-suporta-kay-pacman-bumuhos/)