Numero uno sa Western Pacific Region ang Pilipinas pagdating sa mga bagong kaso ng COVID-19 base sa tala ng World Health Organization.

Nanguna ang Pilipinas sa naitalang 18,332 bagong COVID cases noong Lunes, Agosto 23.

Sa datos ng WHO noong Agosto 24, naturang bilang ang pinakamataas sa nabanggit na rehiyon sa nakalipas na 24 oras.

Sinundan ito ng Japan (17,993), Malaysia (17,672) at Vietnam (10,397).

Ngunit kumpara sa tatlong bansa, ang Pilipinas ang may pinakamaraming total cases na may 1,857,648 kaso, malayo sa Japan na may 1,318,346 cases lamang.

Samantala, pinakamahusay naman ang China sa pagkontrol ng virus, kung saan 35 lamang ang mga bagong kaso sa huling 24 oras at sa kabuuan ay may 94,687 kaso lamang.

The post Pinas nanguna sa Western Pacific pagdating sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-nanguna-sa-western-pacific-pagdating-sa-covid/)