Ilang kabataan ang nagbigay-pugay sa nagawa ni yumaong dating Pangulo Benigno Aquino III sa pamamagitan ng isang rap song.

Nakapost ang video ng awitin sa Instagram account na thankyoupnoy.

“Kami po’y nagmamahal at saludo sa inyo, alam naming ginawa niyo ang lahat ng kaya niyo upang ang bansa natin ay patuloy umasenso, salamat po tinuring niyo kami na boss niyo,” saad sa chorus ng rap, na nakaka-LSS.

Sa video naman ay pinakita ang ilang mga larawan sa panunungkulan ni PNoy bilang pangulo.

Ang awitin ay likha ng mga rappers na sina J lian, JP, Muffler, Lil Bev, G Rhen One at ang chorus ay akda ni Lil Matcha at ang beat ay mula kay Boy Koston Beat.

The post PNoy inalayan ng rap song first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnoy-inalayan-ng-rap-song/)