Karapata-dapat lang na mabigyan ng malaking pondo sa susunod na taon ang Department of Health (DOH) subalit kailangan umanong may kakayahan ang liderato ng nasabing ahensiya, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Mahigit P242 bilyon ang inilaan na pondo sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), ikaapat sa mga departamentong may pinakamataas ng pondo sa susunod na taon.

“I’m afraid the department leadership, the Secretary is most responsible for that underspending in the middle of the pandemic,” sabi ni Hontiveros sa ANC.

“May mga liderato sa DOH who knows how to spend that money, who would be spending it better with a more competent inspiring leader at the top,” sambit pa nito.

Nauna nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang hindi maayos na paggastos ng DOH sa P67 bilyong pondo para sa pandemya.

Mahigit P42 bilyon ang inilipat sa procurement service ng Department of Budget and Management para sa pagbili ng overpriced na personal protective equipment, ayon sa naunang pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Pinatawag ng Senate blue ribbon committee si dating PS-DBM director Undersecretary Christopher Lao sa pagdinig para magbigay linaw hinggil sa overpriced na face mask at face shield na nangyari sa panahon ng kanyang termino.

“Sa panahon niya may mga kontratang in-award sa overpriced, China-based companies sa kabila ng there were Filipino manufacturers offering quality medical-grade and cheaper supplies,” sabi ni Hontiveros.

The post Pondo ng DOH tagilid ‘pag Duque nanatili – Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pondo-ng-doh-tagilid-pag-duque-nanatili-hontiveros/)