Nagpahayag ng suporta si Senador Bong Go sa posibleng pagtakbo sa pagka-pangulo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kabila ng pag-endorso sa kanya na maging standard bearer ng PDP-Laban.

Sa isang statement, sinabi ni Go na wala siyang interes na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 election.

“My position has not changed. I am still not interested in running for President. And as I have said before, if Mayor Sara runs, I will support her,” sabi ni Go.

Hinikayat nito ang publiko na hintayin na lang ang magiging desisyon ni Sara at ng kanyang ama, si Pangulong Rodrigo Duterte, na sinasabing tinanggap na ang alok na tumakbo sa pagka-bise presidente susunod na eleksiyon.

“I leave my fate to God, to the Dutertes—kung anuman ang desisyon nila Pangulong Duterte at Mayor Sara pagdating sa pulitika —and to the Filipino people dahil sila po ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapaglingkod sa kapwa at marating kung saan man po ako nandirito ngayon,” ayon kay Go.

“Please lang, pagdating sa usaping eleksyon, ihuli niyo na ako dahil hindi talaga ako interesado na tumakbong Pangulo. Lahat ng problema sinasalo ng Pangulo. Nararanasan ito ni Pangulong Duterte ngayon at nakikita ko ang hirap na pinagdadaanan niya,” dagdag pa nito.

Sa ngayon aniya’y mas gusto niyang magtrabaho at magserbisyo sa tahimik na paraan na may resulta para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“And as chair of the Senate Committee on Health, patuloy akong naka-focus na tulungan ang gobyerno at ang ating mamamayan na malampasan ang pandemya sa mas lalong madaling panahon. Bakuna muna bago pulitika,” sabi pa ni Go.

The post Presidential bid ni Sara Duterte suportado ni Bong Go first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/presidential-bid-ni-sara-duterte-suportado-ni-bong-go/)