Sumampa na sa 32,077 ang naitalang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 na kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos itong madagdagan ng 158 bagong kaso kahapon.

Sa inilabas na ulat ng ahensya sa kanilang Facebook page, makikitang nasa 30,147 na ang naitalang gumaling mula sa naturang virus. Ito ay matapos maitala ang 184 bagong nakarekober kahapon.

Bahagyang tumaas naman sa 89 ang kanilang death toll rate.

Sa ngayon, 1,841 ang nananatiling mga aktibong kaso ng COVID ng PNP.

The post Pulis na nasapol ng COVID sumipa na sa 32K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-na-nasapol-ng-covid-sumipa-na-sa-32k/)