Namaga na sa 33,034 ang kabuuang bilang ng parak na nagpositibo sa COVID-19 matapos maitala ang 123 bagong kaso kahapon.

Naitala rin ang 179 bagong gumaling sa naturang virus dahilan para sumampa na sa 31,178 bilang ang pulis na nakarekober mula rito.

Samantala, nadagdagan naman ng 1 ang bilang ng mga nasawi sa PNP dahil sa COVID dahilan para umakyat ang death toll rate nito sa 99.

Kasalukuyang 1, 757 na ang kabuuang aktibong kaso ng COVID sa naturang ahensya.

The post Pulis na nasapol ng COVID sumirit na sa 33K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-na-nasapol-ng-covid-sumirit-na-sa-33k/)