Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado.

Sa isang text messsage, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na itinalaga ng Pangulo si Undersecretary Tina Rose Marie Canda bilang Officer-In-Charge ng DBM.

“PRRD has accepted Sec. Wendel Avisado’s resignation due to medical reasons and has designated Usec. Tina Rose Marie Canda as OIC,” ani Roque.

Batay sa liham na ipinadala ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Avisado, ipinabatid nito na tinanggap na ng Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa puwesto epektibo August 13, 2021.

Matatandaang naka-official leave si Avisado dahil sa isyung pangkalusugan.

Hindi binanggit ng mga opisyal ng Palasyo ang detalye sa kundisyong pangkalusugan ng nagbitiw na kalihim.

The post Resignation ni Sec. Avisado tinanggap ni Pangulong Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/resignation-ni-sec-avisado-tinanggap-ni-pangulong-duterte/)