Inihain ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang resolusyon na humihimok sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang voter registration kahit hanggang sa Oktobre 31 bunsod ng ilang beses na pagtigil nito dahil sa mga lockdown na ipinatupad kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ipinunto rin ng mga mambabatas na mula 2001 ang deadline sa Setyembre 30 ang pinakamaagang deadline ng voter registration.

Para sa halalan noong 2001 ang deadline ng pagrerehistro ng mga botante ay Oktobre 27, 2000. Para sa 2004 elections ang deadline ay Oktobre 31, 2003; sa 2007 elections ay Disyembre 31, 2006; sa 2010 elections ay Enero 9, 2010; at sa 2013 elections ay noong Oktobre 31, 2012.

“Whereas, while we recognize Comelec’s need to have ample time to prepare the final list of voters, which is a prerequisite for the preparation and completion of the Project of Precincts (POP), the youth and the people believe that at least a month extension would not delay that much of Comelec’s preparation for POP,” saad ng mga mambabatas sa House Resolution 2128.

Ayon pa sa mga mambabatas itinakda ang September 30 deadline bago pa nagkaroon ng pandemya at nasa kamay ng Comelec kung palalawigin pa ito.

Ang Makabayan bloc ay binubuo nina Kabataan Rep. Sarah Jane Elago, Bayan Muna Representatives Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, ACT Teachers Rep. France Castro at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.

The post Resolusyon para sa extension ng voter registration inihain first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/resolusyon-para-sa-extension-ng-voter-registration-inihain/)