Ito na ba ng dulo ng makulay na karera sa boxing ni Manny Pacquiao?

Ang dating bilis, lakas ng suntok at tatag ng resistensya ay tila naglaho na sa 42-anyos na si Pacquiao sa laban kontra kay Yordenis Ugas.

Hirap makatama ang kamao ni Pacman sa mas matangkad at mahabang si Ugas at tinamo ang unanimous decision na pagkatalo, 113-115, 112-116, 112-116.

Sa post-fight interview, inamin ng Pambansang Kamao na nahirapan siya sa istilo ni Ugas, na naging replacement sa talagang makakalaban niya na si Errol Spence Jr.

“I was having a hard time in the ring to make adjustments with his style. I think that’s the problem for me. I was not able to make adjustments right away,” ayon sa senador.

Nang tanungin naman sa susunod niyang plano, sinabi ni Pacquiao na magpapahinga muna siya at idedeklara ang plano sa susunod na buwan.

“I will make a final announcement next month. I know that I’m facing a big problem in something more difficult than boxing,” wika ni Pacman, na nalasap ang ika-walo niyang talo.

“I want to help the people,” dagdag pa niya.

Samantala, ang pasahan naman ng certificate of candidacy ay sa Oktobre pa. Si Pacquiao ay isa sa mga matunog na pangalang kakandidato bilang pangulo sa 2022.

At kung ito man ang huli niyang laban, umaasa si Pacquiao na natuwa ang lahat ng nakasaksi sa kanyang dalawang dekada sa mundo ng boxing.

“I hope that in my more than 20 years in boxing, I gave you enjoyment and happiness.”

The post Retiro na ba? Plano ni Pacman sa susunod na buwan ilalatag first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/retiro-na-ba-plano-ni-pacman-sa-susunod-na-buwan-ilalatag/)