Napanatili ni John Riel Casimero ang kanyang WBO bantamweight belt matapos ang malamyang split decision win kontra kay Guillermo Rigondeaux nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Naging marathon lang ang ipinamalas ng Cuban challenger at tila takot makipagsabayan ng sapak sa Pinoy, kaya naman naiuwi ni Casimero ang 116-112, 117-111 at sorpresang 113-115 score mula sa mga hurado.

Hindi rin nagustuhan ni Casimero ang labang pinakita ng 40-anyos na si Rigondeaux.

“I wanted a knockout and all my fans wanted a knockout, but Rigondeaux is always running,” pahayag ni Casimero sa post-fight interview. “He’s always running. No fighting.”

Ayon sa tweet ng CompuBox, 91 suntok lang ang napatama ng dalawang boksingero, na pinakakaunting nabilang ng CompuBox sa isang 12-round fight.

Napaganda ng Pinoy ang kanyang record sa 31-4, 21 Kos.

The post Rigondeaux takbuhin, Casimero kampeon pa rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rigondeaux-takbuhin-casimero-kampeon-pa-rin/)