Nahulaan kaya ni Rudy Baldwin na ipapa-Tulfo siya?

Lumutang ang dalawang indibidwal sa public service show na Raffy Tulfo in Action upang ireklamo ang sikat na psychic na si Rudy Baldwin.

Sikat si Baldwin sa panghuhula ng iba’t-ibang kaganapan gaya ng mga aksidente at kalamidad na pino-post niya sa kanyang official Facebook page kung saan siya ay may mahigit apat na milyong followers.

Gayunpaman, ang dalawang babae na sumulpot sa programa ni Tulfo ay hindi kumbinsido sa panghuhula o pangitain ni Baldwin.

Ang isa sa mga biktima, na dati umano niyang manager, sinabihan ni Baldwin na magiging alkalde ng isang bayan sa Bulacan.

Inutusan pa raw siya nito na ibenta ang kanyang mga mamahaling gamit gaya ng alahas at sasakyan dahil magugunaw na ang mundo sa Marso 2020.

Habang ang isa naman, umabot sa halos P60,000 hanggang P70,000 ang binayad kay Baldwin para sa ilang hula na hindi naman nagkatotoo.

Isa raw sa mga hula sa kanya ay magiging babae ang kanyang apo, ngunit matapos manganak ng kanyang anak ay lalaki ang sanggol.

Ang isa pa raw na vision ay mamamatay siya sa Nobyembre 2020 ngunit hindi rin naman nangyari.

Desperado ang isa sa mga biktima na sampahan ng kaso si Baldwin.

The post Rudy Baldwin sablay sa hula, pina-Tulfo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rudy-baldwin-sablay-sa-hula-pina-tulfo/)