Wala pa ring humpay sa pagbuga ng asupre ang Taal Volcano nitong Linggo, base sa huling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, 15,416 tonelada kada araw ang average sulfur dioxide (SO2) emission ng Taal nitong Linggo, na mas mataas pa sa kanilang naitala sa huling dalawang monitoring sa bulkan.

Noong Agosto 13 ay unang pumalo sa lagpas 15,000 ang average SO2 emission ng Taal at noong Agosto 19 ay umakyat ito sa 15,347 tonelada kada araw.

Dahil dito ay patuloy na pinag-iingat ang mga residente malapit sa bulkan tungkol sa volcanic smog o vog.

“Avoid outdoor activities, stay indoors, and shut doors and windows to block out vog. Cover [your] nose, ideally with an N95 facemask. Drink plenty of water to reduce any throat irritation or constriction,” pahayag ng Phivolcs.

The post S02 emission ng Taal ayaw paawat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/s02-emission-ng-taal-ayaw-paawat/)