Bumaba sa pang-51 pwesto sa 60 siyudad sa mundo ang lungsod ng Maynila sa inilabas na Safe Cities Index 2021 ng The Economist Intelligence Unit (The EIU).

Noong 2019 ay pang-43 sa listahan ang Maynila.

Sa Safe Cities Index ay niraranggo ang kaligtasan ng iba’t-ibang siyudad sa mundo pagdating sa personal, kalusugan, imprastraktura, digital at environmental security.

Sa 2021 edisyon ng index, nanguna ang Copenhagen sa Denmark na may 82.4 points out of 100, na sinundan ng Toronto, Canada; Singapore; Sydney, Australia at Tokyo, Japan.

Pasok din sa top 10 ang Amsterdam, The Netherlands; Wellington, New Zealand; Hong Kong; Melbourne, Australia at Stockholm, Sweden.

Ayon sa EIU, ito ang unang edisyon ng index na isinama sa mga pinagbatayan ang environmental security, dahil sa tumitinding banta ng climate change.

The post Safety Index: Maynila ika-51 sa 60 bansa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/safety-index-maynila-ika-51-sa-60-bansa/)