Hindi napigilan ni 2013 Philippine Basketball Association Most Valuable Player Arwind Santos na maapektuhan din sa biglaang pagpanaw noong Huwebes ng ina ni six-time MVP June Mar Fajardo.

Inihayag ni Santos ang kanyang pakikiramay sa social media Biyernes, ibinahagi rin ang kalungkutan na nararamdaman sa pagkawala ng nanay ng San Miguel Beer teammate.

“Sobrang nalulungkot at apektado rin ako sa pagkawala ng mama mo. Naaalala ko tuloy ang mama ko na sobra din akong nasaktan nung mawala siya. Kaya i feel you bro,” pahayag ni ‘ Spiderman.’

Nagpaalala rin si Santos kay ‘The Kraken’ na lagi siya handang tumulong sa kasamahan maging ang kanyang pamilya.

The post Santos galing na sa pinagdaanan ni JMF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/santos-galing-na-sa-pinagdaanan-ni-jmf/)