Walang kawala ang modus ng tatlo katao kabilang ang dalawang returning overseas Filipino (ROF) dahil sa tangkang pagtanggap ng iligal na droga habang naka-quarantine sa isang hotel sa BGC, Taguig nitong Huwebes.

Ayon sa Task Group Bantay Bayanihan ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong alas-4:00 p.m. ng hapon ay dumating ang isang delivery rider para magdala umano ng damit at cellphone sa isang ROF.

Ngunit nang tingnan ng mga awtoridad ang laman ng package, nakitang may nakaipit na hinihinalang shabu sa likod ng cellphone cover.

Dinala ang rider sa Taguig Police Station kung saan kalauna’y napagalaman na wala siyang alam o kaugnayan sa laman ng kanyang dalang package.

Samantala, ilang oras ang nakalipas ay dumating ang isa pang delivery rider na nagpakilalang pinsan ang isang ROF na nasa hotel at dadalhan ito ng damit.

Ngunit sa inspeksyon ay nakitang may hinihinalang shabu na nakapaloob sa isang pakete.

Nang makumpirma ng mga pulis na shabu nga ang dala ng dalawang rider, umaksyon na sila at ngayo’y nakahanda na ang kaso laban sa ikalawang rider at sa dalawang ROF na tatanggap sana ng padala.

Photos Courtesy of PCG Task Group Bantay Bayanihan
Photos Courtesy of PCG Task Group Bantay Bayanihan
Photos Courtesy of PCG Task Group Bantay Bayanihan
The post Shabu sa delivery package! 2 ROF bistado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shabu-sa-delivery-package-2-rof-bistado/)