Nilantad na ng sidekick ni Batman na si Robin ang kanyang tunay na pagkatao.

Sa latest edition kasi ng Batman comic series na ‘Batman: Urban Legends #6’ umamin si Robin, aka Tim Drake, na isa siyang bisexual o taong naaakit sa parehong babae at lalaki.

Ayon sa writer ng naturang komiks na si Meghan Fitzmartin, ito ang “missing piece” ng kanilang kwento.

“I want to tell and there were these pieces that kept coming together that felt that they didn’t have context without this final piece of having him realise his own sexuality, that this is part of who he is as a person and as a character,” ani Fitzman sa panayam ng BBC News.


“My goal in writing has been and will always be to show just how much God loves you. You are so incredibly loved and important and seen. Forever grateful to be trusted with Tim Drake and his story,” saad naman niya sa kanyang tweet.

The post Sidekick ni Batman na si Robin, lumadlad na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sidekick-ni-batman-na-si-robin-lumadlad-na/)