Ikinatuwa ng Akbayan Partylist ang katapatan sa serbisyo ng Commission on Audit (COA) matapos makita ang mga iregularidad sa pondo ng ilang ahensya ng gobyerno.

Bilang pagbibigay-pugay ng Akbayan sa ginagawa ng COA, pupunta ang ilang miyembro ng grupo sa opisina ng ahensya sa Agosto 20, Biyernes.

“Members of Akbayan Partylist, led by its first nominee Perci Cendana, will troop to the Office of the Commission on Audit (COA) to pay tribute to the bravery and heroism of its employees in safeguarding the nation’s coffers,” saad sa statement ng Akbayan.

Ayon sa isang press release ng Akbayan, bibigyan nila ng bulaklak at letter of solidarity ang mga staff ng COA upang ipakita ang suporta ng partylist sa ahensya.

Dagdag pa ng Akbayan, ang pagpunta nila sa tanggapan ng COA ay bilang pag-alala rin sa buhay ni Atty. Jake Cimafranca, ang opisyal na tumrabaho sa pag-audit ng COVID funds ng Department of Health kung saan nadiskubre ang deficiencies sa P67 bilyon na pondo. Si Cimafranca ay sumakabilang-buhay kamakailan dahil sa heart attack.

The post Sigaw ng Akbayan: ‘Defend COA!’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sigaw-ng-akbayan-defend-coa/)