Umakyat na sa 100 ang naitalang nasawi sa Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang isang bagong nasawi nitong Linggo.

Naitala rin kahapon ang 150 new COVID cases dahilan para lumobo pa sa 33,438 ang kabuuang kaso ng nasapol ng virus sa bansa.

Samantala, nadagdagan naman ng 116 ang bilang ng mga nakarekober.

Kasalukuyang may 31,492 pulis na ang gumaling mula sa nasabing virus.

Sa ngayon, 1,846 aktibong kaso na ng COVID ang naitala sa naturang ahensya.

The post Todas sa PNP dahil sa COVID, 100 na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/todas-sa-pnp-dahil-sa-covid-100-na/)