Patay ang isang tricycle drayber habang sugatan naman ang dalawa pang indibidwal matapos sumalpok ng isang dump truck sa ilang sasakyan at isang tindahan sa San Jose, Antipolo City nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng GMA News, naisugod pa sa pagamutan ang tricycle drayber ngunit binawian din ng buhay.

Ayon sa mg awtoridad, nawalan umano ng preno ang trak at dumausdos pababa sa pa-zigzag na daanan.

Tumama ito sa tricyle at iba pang mga sasakyan bago araruhin ang isang tindahan.

Ligtas naman ang drayber ng trak at mga sakay nito.

Aminado naman ang drayber na nawalan siya ng preno habang pababa sa naturang kalsada.

Ayon sa ulat, may kargang gypsum ang naturang trak nang maganap ang aksidnete.

The post Trak sumalpok sa mga sasakyan, tindahan sa Antipolo, 1 utas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trak-sumalpok-sa-mga-sasakyan-tindahan-sa-antipolo-1-utas/)