Inanunsyo ni dating senador Antonio Trillanes IV sa kanyang Twitter ngayong Lunes na namatayan siya ng isa kapatirang Dugong Magdalo.

Aniya, pananagutan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kapalpakan at kawalang kakayanan nito sa pagtugon sa health crisis.

“We lost a Dugong Magdalo brother yesterday because of COVID,” tweet niya.

“I am holding the duterte admin responsible for his death and other COVID deaths for gross incompetence/corruption,” pagpapatuloy niya.

Sambit niya, palpak kasi ang kasalukuyang administrasyon sa pagbili ng sapat na kagamitan at bakuna kontra COVID.


Dagdag pa rito, kulang din aniya ang workforce ng mga frontliner ngayong pandemya.


Kanya-kanyang banat naman ang mga netizen dito.

The post Trillanes namatayan ng Magdalo brother dahil sa COVID, sinisi si Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-namatayan-ng-magdalo-brother-dahil-sa-covid-sinisi-si-duterte/)