Nasawi ang isang 23-anyos na negosyanteng Chinese matapos mag-jet ski sa Laguna.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Yang Zhou.

Pinigilan umano ng mga kaibigan niya si Zhou na huwag nang mag-jet ski sa Caliraya Lake dahil nakainom ito ng alak pero hindi nakinig at pinatakbo pa rin ng biktima ang sasakyan.

Pagliko umano nito ay sumemplang at tumilapon si Zhou.

Nahirapan umano ang mga kasamahan ng biktima na sagipin siya kaya bumalik na lamang sa pampang at saka tumawag ng saklolo.

Samantala, magsasagawa ng imbestigasyon kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

The post Tsekwa lumaklak saka nag-jet ski natodas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tsekwa-lumaklak-saka-nag-jet-ski-natodas/)