Simula Agosto 16, mandatory na ang pagsusuot ng personal air purifier ng lahat ng driver at konduktor ng mga pampublikong sasakyan sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, kabilang na ito sa hahanapin ng mga pulis sa mga checkpoint.

Binigyang-diin ni Police Colonel Engelbert Soriano, director ng Cebu Police Provincial Office, ang kahalagahan ng air purifier bilang dagdag proteksyon kontra COVID-19.

Aniya, ang paghahatid ng virus ay nangyayari sa hangin at kung malilinis ang hangin sa paligid, maiiwasang tamaan ng COVID.

The post Tsuper, konduktor obligadong gumamit ng air purifier first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tsuper-konduktor-obligadong-gumamit-ng-air-purifier/)